Skip navigation

Tag Archives: cinema 76

Today is one of the best Saturdays of the year. Why? Because I finally saw Heneral Luna (FOR FREE!) and unexpectedly saw a certain male celebrity for the 3rd time! What are the odds huh?

Even if my newer smartphone was “dead” in my bag, at least I was able to take decent pics using my old phone!

76

Cinema ’76

Thanks to Cinema ’76 (in San Juan) for the free screening of Heneral Luna today. Best Philippine holiday event lang for me. haha~ Kahit na i hated seeing the English subs in a Filipino movie (wtf lang tlga mga ganun), pagbigyan na libre naman eh.

76 2

Comfy pillow and sofa seats.

Anyway, the movie did not disappoint. Kudos pa rin sa lahat ng gumawa ng sine na yun. It reinforced my hatred for what Aguinaldo did and fellow Pinoys who sold out our own country.

*Rant starts here*

Nakakagalit talaga yung sarili mong kababayan magbebenta sa sariling bayan para lang madali ang buhay nila. Mas gusto pa paalipin kesa paghirapan ayusin ang sariling buhay at ekonomiya? Ano yun di ba? Mga taong walang tunay na pagmamahal sa sariling bayan!

Yung maiisip mo, sakaling totoo ang takbo ng kwento ng sine, bakit ang tanga at duwag ni Aguinaldo, di pa tinanggap yung resignation ni Luna. Di naman pala niya kayang suportahan ang pinakamagaling niyang Heneral pero gusto niyang siya ang mamuno at lumaban para sa bayan. Mga tanga.

Tapos ngayon isipin mo, may mga tao gusto Federalismo daw. Aba bakit di na lang monarkiya ang gawin sa Pilipinas kung gustong magkaron ng disiplina at pagmamahal sa bayan ang mga tao? Gusto niyong maging regionalistic? Gusto niyong humiwalay sa Pilipinas? Asan ang pagka-Pilipino niyo?  Punyeta nakakagalit lang eh. E yung gusto niyong ibenta kayo sa China ng walang kamalay-malay? Tingnan naten ano mangyari pag gusto niyo ng martial law ulet o ng anak ng diktador.

Ang problema kase yung mga hindi masa at edukado hindi bumoboto (o hindi makakaboto) tapos pagrereklamo at paninisi lang din alam. Ganda di ba?

Jusko iligtas niyo kami sa masama Lord!!! Utang na loob baket ang eleksyon ngayon parang matindi at mainit?!?

*Rant ends here*

In other news, nakita ko na naman si Mr. Epy Quizon di ko alam andun pala sha. Baket di ba? Akala ko si Mr. John Arcilla lang andun e panel pala sila. 3rd time na talaga ‘to.

Does this mean anything? Am I missing something here? 1st unexpected sighting was in 2013 (theater forum), 2nd in 2015 (extra sa TV episode ng Imbestigador) and 3rd is today (free movie screening). O di ba? Sosyal. Hahaha~

There must be some opportunity I am not taking here but I don’t know exactly what it is/was. Earlier, I could have talked to Mr. E.A. Rocha (movie producer) or Epy or even Mr. Leo Martinez after the panel Q&A (after the movie screening). An autograph signing and photo op session happened next kaso umuwi na ako.

Madali lang sila siguro makausap because it’s a small venue and close quarters lang. Why not talk to anyone of them right? Easy peasy yun as in. Kaso after the movie, I didn’t want to have their autograph or get a photo op… (Already have an unglamorous pic w/ Epy haller tenkyuberimats).

I guess I didn’t have something ready to talk to them about? Ni hindi nga ako nagtanong sa Q&A even though I felt like I should have asked something political but my tired and sleepy brain couldn’t come up with a good question. Boom panes lang. Tsaka ano na, yung travel TV show plan ko mangyayari pa ba? (Hahaha ewan ko lang, saya lang ng buhay ko eh. Whatever.)

Galing kase ako sa night shift work then I went to the venue after I ate “breakfast”. All I could do was react to anything that happened in the cinema and nothing else. I actually wanted to go home immediately after the movie but stayed on for the Q&A because nobody was leaving! 😛

Ok lang naman, forum session was fun. Also at least nakita kong the movie really serves its purpose of awakening blind and sleeping Filipinos (if not all). Thank God for the movie talaga.

So how about you? How are you spending your Saturday holiday? 🙂

%d bloggers like this: