Skip navigation

I cannot for the life of me comprehend why i lost it. Of all the things i could lose baket yung cellphone ko pa? Pwede namang yung lip gloss ko or yung eyedrops na nasa same pocket ng jacket ko pero bakit yung cellphone ko? BAKET?!! BAAAKEEEET??? WHY? APAY?

First ever touchscreen phone ko kaya love na love ko yan. Halos 2 years na rin yun. Ang dami-daming laman nun – text messages, contacts, personal information, reminders, pictures, music, and all that shizz tapos mawawala lang sa isang iglap!?! P&@(*^$^@%@! O kay saklap. Tapos wala pang sumasagot nung tinatawagan, wala ring nagtext, walang ni-ho ni-ha. WALA!

Hindi naman first time na nawalan ako  ng cellphone pero my gahd bakit kung kelan balak ko bumili ng bagong cellphone saka siya nawala? To think na dahil sa antibiotics lang na yan kaya ako nawalan ng cellphone? To think dahil lang sa nag-absent ako ng 3 days sapagkat nagkasakit ako kaya naresetahan ng antibiotics?! WTF is up with that??? Anong klaseng kalokohan ito universe? Kasalanan ko ba lahat ng ito? To think na nagkasakit ako dahil sa trabaho ko kaya ako nag-absent ayon sa payo ng doktor at niresetahan ng antibiotics na naiwanan ko kagabi kaya binalikan ko pa para lang pala mawala yung cellphone ko? Sana pala di ko na lang binalikan at umulit na lang ako ng antibiotics ng isang linggo ulet!? Ganon ba dapat ang isipin ko?!?!?! BUWISET LANG.

Mababaw bang mag-rant ako dahil sa nawalang cellphone? Hindi ako magra-rant ng ganito kung hindi importante yung nawala sa akin! O jusko. Baket ganito? Paano ko pa makukuha yun? Aasa pa ba ako sa wala? O jusko.

Ayoko na! Hindi na ako bibili ng cellphone! Saka na lang pag feel ko na magka-cellphone ulet. Punyeta.

********* ********** *********

To think na I’d have to go to NTC para ipa-block yung phone, tapos ppunta pa ako ng Globe to get the same number. Punyeta talaga. Karma ba ito Lord or wala lang ako magawa sa buhay ko kaya may mga ganitong pangyayari para may gawin ako?

Talagang kelangan pa sa GT Express na FX ko maiwan/mawala? Yung rutang Ayala to Antipolo/Rosario v.v. along Kalayaan Avenue? Sana pala nag-taxi na lang ako!!! di pa sana sumasakit ulo ko ngayon! T@#$(&$$&@ lang talaga! SHETE! OTSO! NUWEBE! DIYES!

********* ********** *********

Naisip ko na kontakin mga operator ng GT Express, pero wala naman yata silang union na parang TODA sa tricycle. Naisip ko na rin kontakin ang LTFRB pero kokontakin kaya nila lahat ng operators ng GT Express na ganun ang ruta para lang sa akin??? O jusko.

Buti pa yung Company ID ko dati nakuha ko pa from a tricycle driver dahil talagang hinanap ko yung terminal at nagtanung-tanong ako sa mga tao dun. E kaso saan ang terminal ng GT Express? Sa Antipolo? Sa Ayala wala naman eh, tumitigil-tigil lang sila dun para magbaba at magsakay ng pasahero at hindi pumipirmi!

O, teka… pwede ko ipatanong pala dun sa barker ng mga FX sa malapit sa’min, baka matanong niya lahat ng mga FX drivers na pumaparada dun kung may kilala silang nakakuha ng brown na Samsung Champ na cellphone! Jusko epektib po kaya yun? Plsplspls… Kaso bihira ko na makita yung barker! O jusko. Yun na lamang ang tangi kong naiisip na paraan. Sana lang makuha ko pa talaga ang cellphone ko. Sana lang. Wag sanang ibenta o gamitin. May address naman ako dun pero hindi naman naka-indicate na yun ang address ko, basta address lang.

Aasa pa ba ako? Sana makuha ko pa gaya nung ID ko dati. Sana lang. Pagdasal niyo po sana makuha ko pa. =/

Advertisements

Reply here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: