Skip navigation

Much like there are no two people alike, so it must be for planets… and so if you care about our planet we should do our small part in taking care of it. Taking care of the Earth means taking care of ourselves and all the other creatures living here.

Where else can we find such beauties as these?

(images from terre.sans.frontiere.free.fr and i.pbase.com)

Another planet might yield different landscapes, plants and animals. Another planet may have worse weather or other monsters.  Another habitable planet is a different planet. 

I know we are not on the verge of relocating to another planet but i just think it’s really sad if we let our planet Earth go to waste. So please let us do what we can for our planet. Let us not pollute the waters for it is the most essential thing for all of us. Water is our life. 

Conserve clean water • Throw your waste in trash cans or dispose of your garbage properly (know how to dispose of your trash properly) • Government leaders – from the president to the local barangay officials – should at least make an effort to discipline all of us into not polluting our environment

Wag na kase matigas ang ulo. Tigilan na ang pagiging pasaway. Isipin mo naman ang ginagawa mo. Wag laging puro pera ang isipin dahil ang pera nawawala, magutom ka man may ibang taong tutulong sa’yo. Pero pag ang tubig nawala o naging burak mas malaking gastos ang kakailanganin para malinis ito at muling mainom at magamit ng mabuti. 

Di ko alam ba’t lagi na lang may mga taong walang pakialam. Tapon ng basura dito tapon doon. Kalat lang ng kalat tapos magrereklamo sa baha. Magrereklamo sa baho at dumi ng tubig baha. Magrereklamo dahil hindi makapasok sa opisina o kaya sa paaralan. Hindi dahil nakita mo yung ibang taong pasaway na nagkakalat gagaya ka na lang. Haller?! 

Eto lang masasabi ko. Disiplina at tamang pagtuturo ang kailangan para umunlad ang bayan.

Sa bayan nating Pilipinas maraming pabaya, maraming hindi nadisiplina, maraming hindi nagkaroon ng pagkakataong maturuan ng tamang pag-aasal. Kaya naman madaming walang alam, madaming walang pakialam at madaming walang kamuwang-muwang na ang ginagawa nila ay mali pala o nakakasama sa kalikasan at sa tao. May TV nga pero ano ang pinapakita? Panay kulturang Amerikano. Nagpipilit na magpaka-Kano na mga Pilipino, na pati pag-uugali hindi na halos Pinoy.  May TV nga pero ano ang pinapanood? Mga palabas sa ibang bansa – sa US, sa Japan, sa Korea. Wala daw manonood pag panay pang-buhay kaalaman ang palabas. Mas manonood daw ang tao pag panay chismis at intriga at kalokohan ang palabas. Hindi ko alam kung anong ginagawa ng mga may pera sa pera nila. Tsk. Sayang ang pagkakataong magpalabas ng gaya ng Batibot. Sayang ang pagkakataon na maturuan ang mga bata ng tama at mabuti. Sayang ang pagkakataong malaman ng mga tao ang mga dapat gawin para matigil na ang baha, ang kahirapan, ang polusyon. 

Oo madaling magsalita, pero ang alam ko basta may pera ka kaya mong gawin ang halos lahat. Unang-una na lang bakit hindi pa bayaran ng mga Marcoses at cronies nila ang utang ng Pilipinas? kahit porsyento lang ang mabawas dun malaking ginhawa na yun kahit papa’no dahil liliit ang babayaran nating interes. Alam niyo bang interes lang ang kayang bayaran ng bansa nating Pilipinas? Pa’nong hindi lalong babaon sa hirap ang bansa natin? Walang gustong magbayad ng utang!!! Yung mga taong nangurakot ayaw magbayad! Ang mga nakuha ng gobyerno mula sa Marcoses ang tagal na hindi pa ibinayad sa utang! Haller? Ano bang gusto niyong gawin dun sa yamang yun e “ill-gotten wealth” nga yun!

Ewan ko. Ang gulo. Pwede ba makinig naman kayo. Simulan n lng natin sa sarili ang pagbabago. Pero pano nga ba tayo magbabago na mga Pilipino kung hindi tayo binibigyan ng pagkakataong magbago?

At isa pa, may nagbabasa ba at sumasagot na mga government officials sa mga threads sa forums.gov.ph? Pwede ring makatulong ang mga nakasulat doon. It’s either for National Awareness or para may magawa naman ang kapwa natin para sa ibang tao.  Karamihan na nga ng nandun yata ay puro reklamo. Pero huwag nating isisi sa isang tao ang mga problema. Hindi kaya ng isang tao lutasin lahat ng reklamo. Tulung-tulong yan. Hindi dahil may lider lahat siya na ang may kasalanan o lahat siya na ang gagawa. Gawin din natin ang kaya nating gawin.

Ako hindi ako nagtatapon kung saan saan. Kahit balot lang ng kendi tinatapon ko sa basurahan, nilalagay ko muna sa bag pag wala akong makita kung nasan man ako sa oras na yun.  Ang problema kase sa ibang tao, nakita na ngang may basurahan sa kabila lang itatapon pa rin sa kalsada ang basura. Kahit sa jeep! Nasa unahan lang yung basurahan ng jeepney itatapon pa rin sa bintana ng jeep yung basura. Tamad na, nagkalat pa! Sinong hindi hahaybladin sa mga ganung tao?! Mga walang pakialam! Nakuh. 

Matigil na nga ito. Basta kung sino ka mang nakabasa nito, yang utak at puso paganahin ha! Kung hindi alam, magtanong. Ako nagtatanong din naman kung may hindi alam. Normal lang yun. Magtanong tayo sa nakakaalam, kung walang may alam hanapin natin ang kasagutan! Kung alam na mali bakit itutuloy pang gawin? Matutuong manindigan sa tama!

Advertisements

One Comment

  1. Disiplina at tamang pagtuturo ang kailangan para umunlad ang bayan.

    Tama ka dyan…

    Like


Reply here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: