Skip navigation

Sa wakas! Grabe, hinintay pang may masagasaan sa ‘tawiran’ na yun bago maglagay ng stripes for “pedestrian crossing” (ped xing) sa may Shopwise Libis. Tsktsk. tingnan mo nga naman oo.

Kailangan naman kase may marka noh dahil hindi naman napapansin yung sign sa poste na pedestrian crossing. Yung mga MMDA naman or tanod or kung sinuman yung papalit-palit na nagtatawid ng mga tao dati dun, sus palaging nakatambay sa ibang lugar, so shempre feeling ng mga taong tatawid wala siyang silbe kaya tumatawid kahit may tagatawid sa ped xing. Kaya siguro wala na ring nagtatawid ng mga tao dun after ma-feel nilang wala silang silbi sa mga tao.


Never namang kinailangan ng overpass na tawiran dun sa area na yun e, hindi talaga kailangan dahil pampasikip at hassle yun. Simpleng pintura sa kalsada lang naman kase ang kailangan pero hindi nagawa. Tagal-tagal na e, 2 yrs na yata ako dito sa may Libis ngayon pa lang naisip maglagay! Pano ba naman yung mga may kotse o truck o iba pang sasakyan, nakita na ngang may tumatawid shempre dirediretcho pa rin silang humaharurot. Bakit? Dahil wala naman silang nakikitang nakapaskil na “tawiran” yung area na yun. Tipong jaywalking lang lagi ang dating sa kanila ng mga taong tumatawid kase wala ngang senyales na kahit ano na tawiran yun (oo meron pero hindi halata, nasa poste).

Look at this pic on the left galing sa photos section ko… traffic nga lang. Kapag ganyan katrapik saka lang madali tumawid. Magpapasalamat ka pang traffic kase madaling makatawid. Pero bihira mag-traffic sa Libis (salamat naman) kaya madalas mahirap tumawid, lalo na sa side ng Shopwise.

So ayun, a few weeks or days ago nagkaaksidente sa tawiran na yun, hindi ko alam kung namatay yung nasagasaan or kung buhay. Pero dahil dun, finally, after that incident, eto na pinipinturahan na yung kalsada ng puting stripes. Ang tagal ko nang pinapangarap na lagyan nila. Ba’t nga ba hindi ko naisip sulatan ang MMDA or kung sino man dapat sulatan? haaay.

Pero at least ngayon i can say, “Yehey! Ang saya-saya!” Ang hirap kaya tumawid dun noh! Lalo pag gabi, magpapatintero ka sa kalsada kahit tawiran naman talaga yun hindi lang obvious. Ang tagal bago ako makatawid.Pero ngayon hindi niyo na ma-eexperience magpatintero sa E.Rod. Jr. (Shopwise), kase may ped xing stripes na!  yihiii!

Ahem… wait lang, let me google who the person was that got hit…

Oh my gosh! babae pala! Hala! I don’t know for sure if it’s her kase hindi ko makita yung taong nakahiga at nagdudugo sa kalsada na naaksidente kase madaming tao na nakapalibot noon.

Read the article here.

Article link not working? You can also read it by clicking this thumbnail below.

Will post actual pics later… hehehe. Nang makita niyo na may stripes na yung kalsada sa wakas! (Hopefully i can upload a video… haha!) Trip lang. XD

Advertisements

Reply here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: