Skip navigation

Wahaha… grabe na ito… Siguro kase magaling yung pari kaya biglang na-miss ko magsimba… tama ba yung maisip ko bigla na 10 years na pala since my last confession? hanep… hayskul retreat pa yun… I think it’s time to confess my sins na… tsktsk… ibig sabihin 10 years na din akong hindi nagkokomunyon? (Pero may daya ako, nagkomunyon yata ako dati ng ilang beses… haha…) Kase bawal magkomunyon unless nagkukumpisal ka ang alam ko eh…

Oh well… So eniwei sabi sa parish something sa baba ng St. Joseph (sa may Anonas ha)… every 5pm or 8am weekdays daw ang confession… hm… tamang-tama malapit na din bertday ko…. hahaha… Basta may ilaw yung ‘confession going on’ yata na nakasulat, ibig sabihin may pari dun… basta ganun daw.

AT! may bago akong natutunang word ngayon!

Okay kids ang bagong salita para sa araw na ito ay Pasinayaan…Oha! Pasinayaan means Initiation. Paano ko nalaman yun? Kase yung pari (i didn’t get the name) nag-ala catechism class or retreat chuvaness sya kanina… hahaha… Magaling din naman yung pari at hindi boring… sana lahat ng pari marunong magsermon gaya niya…

Eniwei dahil nakinig akong mabuti sa misa kanina… ang kahalagahan ng binyag sa ating mga Katoliko ay nasa acronym na RICE (binyag ni Kristo yung gospel kanina).

Ang R ay Rebirth, I ay Initiation, C ay Consecration at E ay Empowerment. Hindi ko na ididiscuss siyempre mahaba yun at hindi naman ako nagtuturo ng catechism (Hindi halatang galing ako ng Catholic School ano? ). Siyempre Tagalog yung misa. I like going to mass na Tagalog, sawa na ako sa English dahil puro English at Ilocano nung hayskul (kaya karamihan ng dasal at mga reply sa misa na alam ko ay English… shucks).

So anyway tingnan natin ang mga tenses…

Present tense: Initiation = Pasinayaan
Past tense: Initiated = Pinasinayaan
Present tense(?): being Initiated = Pinapasinayaan

kalokah di ba?! New word talaga for me. Well siguro naririnig ko na dati pero hindi ko alam ang meaning… wahaha…

So eniwei… yung mga kelangan na magkumpisal jan…. nandun sa taas yung schedule ha… sa St Joseph lang ang alam ko e.

Advertisements

Reply here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: